14

Jan 4, 2021 @ 17:02
By

PBB housemate pinagtanggol ni Toni

Nag-react si Toni Gonzaga sa pambabatikos sa isang contestant ng “Pinoy Big Brother” (PBB) matapos sabihing suportado ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Kahapon, January 3, nasipa na sa “Pinoy Big Brother: Connect” si Russu Laurente, 19, mula sa General Santos City.

Sabado nang aminin ni Laurente at housemate ring si Crismar Menchavez, 19, kay Big Brother na nag-yes sila sa ABS-CBN shutdown.

Kapwa naman nagsisi ang dalawa at nag-sorry kay Big Brother.

Ani Toni sa Instagram post: “For our 2nd eviction night housemate Russu was evicted because of a mistake he did that eventually made him realize the damage it has done.”

19-anyos pa lamang aniya si Russu at hindi pa batid ang “gravity” ng mga sinabi nito.

“People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken.

“He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life. And now that he knows better,” dagdag ng actress.

“May this also serve as a reminder for us to not define and label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?