30

Mar 8, 2021 @ 20:49
By

PBB Housemate Chico sinipa palabas ng bahay ni Kuya

Si “Pinoy Big Brother” housemate Chico ang ika-11 nasipa papalabas ng bahay ni Kuya.

“Maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong kwento, Ex-housemate Chico,” saad sa tweet ng PBB na may hashtag na #PBB11thEviction.

Ligtas naman sa tanggalan sina PBB housemate Ralph Malibunas at Amanda Zamora.

Kasalukuyang nasa big four spot na ng PBB: Connect sina Andrea Abaya, Jie-Ann Armero, Liofer Pinatacan at Kobie Brown.

Ito na ang ika-15 edisyon ng naturang palabas na umere sa bansa taong 2005.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?