25

By

PBB alum Fifth Solomon umuwi ng ‘Pinas para idirek si Alex Gonzaga

Sharing is caring!

Sa mga hindi nakakaalam, si Fifth Solomon ay brother ni Charice Solomon na nasa GMA7. May kakambal siya na si Fourth.

Four years ago isa siya sa naging housemate ni Pinoy Big Brother na ng lumabas ay naging active sa movies at teleseryes.

Ayon kay Fifth, kahit marami siyang projects noon ay na-miss niya ang passion sa pagsusulat at pagdi-direct.

Nagpunta raw siya sa Australia nu’ng 2016 para tapusin ang kanyang Master’s degree na Media.

Nagpa-part time raw siya para pandagdag ng kanyang gastusin.

“Naghugas ako ng plato at gumawa ng kape. Kasi kailangan mong mag-part-time job habang nag-aaral ka kasi ang mahal ng cost of living. Meron pa akong semester na hindi natatapos. Bumalik ako dito kasi parang marami ng mga pelikula na gusto ko nang gawin,” ani Fifth sa isang interbyu.

Si Fifth ang nagdirek ng pelikula ni Alex Gonzaga, ang ‘Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka’ na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

May plano pa rin daw siyang bumalik sa Australia para tapusin ang master’s degree.

Bumalik lang daw siya dahil gusto niyang makapag-ambag na ng pelikula sa industriya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?