193

Jan 6, 2020 @ 19:05
By

PBA trade: KaTropa nilambat si Simon Enciso

Nagpalitan ng mga shooter ang Alaska at TNT KaTropa nitong Lunes.

Sa announcement ng PBA sa kanilang Twitter account, binitiwan ng KaTropa si Mike DiGregorio para makuha si Simon Enciso mula sa Aces.

Pinamigay din ng TNT ang 2023 2nd round draft pick nila sa Alaska.

Ang KaTropa na ang ikaapat na team ni Enciso mula nang mai-draft siya sa second round ng 2015 PBA Draft.

Samantala, ilang buwan pa lang ang itinatagal ni DiGregorio sa TNT mula nang hugutin siya sa Blackwater noong Oktubre kapalit naman ni Brian Heruela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?