20

Oct 26, 2020 @ 17:57
By

PBA tiklo sa coronavirus: Bakbakang TNT, NorthPort kinansela

Clark Smart Giga City – Hindi na itinuloy ng PBA ang scheduled game ng NorthPort at TNT sa nightcap sana Lunes ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym.

“Game between @NorthPortPH and @TNTTropangGIGA today is cancelled and will be rescheduled to a later date,” ang pinalabas na advisory ng liga kahapon ng tanghali.

Tinuloy naman ang bakbakan ng Phoenix at NLEX, ang inaabangang comeback game ni Calvin Abueva sa Fuel Masters matapos alisin na ang indefinite suspension na ipinataw sa kanya noong June 2019.

TNT ang nakalaro ng Blackwater noong Huwebes, ilang araw bago nag-positive sa COVID-19 test ang isang Elite player.

Kahapon din ay nakumpirma sa confirmatory swab at antigen testing na negative ang player, pero bilang pag-iingat ay nagpasya ang liga na kanselahin na ang TNT-NorthPort game.

Sumailalim din sa testing ang Tropang Giga noong Linggo, lahat negative

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?