12

May 18, 2021 @ 16:27
By

PBA teams, lalarga para sa ensayo

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial nitong Martes na siyam na koponan ang magsisimula nang mag-ensayo sa Batangas City ngayong linggo.

Ang mga koponan ay ang Alaska, Ginebra, Blackwater, Northport, Terrafirma, Rain or Shine, San Miguel, Magnolia at Phoenix.

Ang Batangas City Coliseum at ang Lyceum-Batangas ang pagdarausan ng kanilang ensayo.

“Ang schedule namin, Huwebes, Biyernes andun na ‘yung siyam na teams,” saad ni Marcial

Samantala, ang tatlong natitirang koponan – Meralco, TNT at NLEX, ay pa-norte.

Nauna nang bumiyahe noong Linggo papuntang Laoag ang Meralco, na siyang susundan naman ng TNT sa Mayo 19.

Sa Clark naman nakatakdang magdaos ng ensayo ang NLEX. (Mark Joven Delantar)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?