35

Jul 30, 2021 @ 19:50
By

PBA target dalhin mga laro sa Batangas

Sumulat na ang PBA kay Health Sec. Francisco Duque III kung maaari nilang ituloy ang mga laro sa Batangas kapag umiral na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region.

Nitong Biyernes inanunsyo ng Malacañang ang paglalagay sa Metro Manila sa ECQ sa August 6-20 dahil sa pagtaas ng Delta variant case.

Sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, nakasaad din sa sulat ang kahilingan nilang dalhin na lamang sa labas ng Metro Manila ang kanilang mga laro partikular sa Batangas, na nasa regular general community quarantine.

Nilalaro ngayon ang PBA sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nananalig si Marcial na mapagbibigyan sila ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?