4

Sep 27, 2020 @ 21:27
By

PBA susuporta pa rin sa Gilas

Todo pa rin ang suporta ng PBA sa Gilas Pilipinas bagama’t wala pang konkretong plano sa susunod na sabak ng national team sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Sa November naka-schedule ang Asia joust, hagip ang Philippine Cup restart na target umpisahan sa Oct. 11 sa Clark bubble.

“All-out support ang PBA sa Gilas, walang pagbabago,” ani commissioner Willie Marcial nitong Linggo. “Sinasabi ng governors, kung ano kailangan ng SBP ibibigay pa rin.”

Bahagi ng suporta ang pagpapahiram ng 12 teams na kani-kanilang players kapag tinawag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para maglaro sa national squad.

Ang siste ay hindi makakalabas ng bubble ang players kapag nagsimula ang restart.

Malinaw ang guidelines ng liga – ang lalabas sa kahit ano’ng dahilan, hindi na papayagang makabalik.

“Wala pang sinasabi ang SBP regarding November (tournament). Si (Meralco) governor Al Panlilio, wala pa kami pinag-uusapan du’n sa November,” dagdag ng PBA chief.

Si Panlilio din ang presidente ng SBP.

May dalawang laro pa ang Gilas kontra Korea at Thailand sa November window ng FIBA Asia qualifiers. Unang sinagasaan ng Filipinos ang Indonesians 100-70 noong February sa Jakarta.

Tinulungan nina PBA stars Kiefer Ravena, Troy Rosario, Poy Erram, CJ Perez, RR Pogoy, Justin Chua at Abu Tratter ang Gilas cadets sa Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?