110

Dec 20, 2019 @ 8:46
By

PBA stat head nabuwisit sa Phisgoc

‘Di na napigilan ng isang opisyal ng Philippine Basketball Association ang kanyang himutok sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Binigwasan ni PBA Statstician chief Fidel Mangonon III ang PHISGOC, ang nag-organisa ng 30th Southeast Asian Games PH 2019, sa pamamagitan ng kanyang twitter account dahil sa kapalpakan at kapabayaan para sa kanyang serbisyo sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest nitong Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Hey PHISGOC, just please tell me if you dont want to pay for my services in recent #30thSEAGames,” bulalas ni Mangonon sa @pbaologist.

Magugunitang nakaladkad sa iba’t ibang banat at bumuhos ang reklamo ng mga coach, atleta, at iba pang delagado sa Phisgoc sa paligsahan dahil sa naganap maraming aberya gaya ng pagkain, transportasyon, hotel accommodation at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?