19

By

PBA sportswriting contest sa Nob. 22

Inaanyayahan ng PBA Press Corps na sumali ang mga paaralan sa Metro Manila para sa gaganaping sportswriting contest sa darating na Nobyembre 22.

Bilang lamang ang slots at ito ay first come, first served basis para mga college at senior high students. Bawat isang paaralan ay maaaring magpadala ng dalawang writer at isang photographer.

Ang mga interesadong lumahok ay dapat na magdala ng valid school ID at kabilang sa school publication.

Ang tatanghaling panalo sa kompetisyon ay makakakuha ng cash prize pagkatapos ng seminar.

Para sa mga detalye, kontakin si Ms. Hazel Ancheta ng PBA Office (0956-8717835) o si Gerry Ramos ng PBAPC (0915-2034869).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?