239

By

PBA “Spider-Man” nagmensahe ng pagmamahal, walang intensyong manakit

Mensahe ng pagmamahal ang nais umanong iparating ng lalaking nakasuot ng Spider-Man costume na tumakbo sa court sa kalagitnaan ng laro ng Magnolia at San Miguel sa Smart Araneta Coliseum.

Ang pag-eksena ng court invader ay nagdulot ng pagtama nito kay Beermen center June Mar Fajardo habang naglalaro.

Kapansin-pansin ang malakas na pagkakabangga nito kay Fajardo dahil sa pagtama nito sa panga ng manlalaro.

Idiniin niya na ang ginawa niya ay para lamang ipahayag ang mensahe ng pagmamahal lalo na’t paparating na ang eleksyon sa Lunes.

Aniya, “Meron po akong charity, matagal na, nung 2010 pa. Ito na lang talaga pagkakataon para umayos tayong lahat.”

Tuloy pa rin ang paghahain ng reklamo ng PBA sa hindi pa pinapangalanang court invader.

Samantala, nahuli rin ng Araneta security ang kasama ng invader at isa pang fan na sinuntok ang sinasabing kasama ng invader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?