129

May 24, 2019 @ 16:14
By

PBA ‘Spider-Man’ kaya raw sanang perahan si Tubid

Hiling ni Paolo Felizarta, na nakilala sa kanyang pag-entra sa PBA court ng nakasuot ng Spider-Man costume sa laban ng Magnolia at San Miguel, na magkaayos na ang lahat ng nasangkot sa kanyang isyu.

Sinabi ni Felizarta sa kanyang video sa Youtube na huwag na sana umanong ituloy ng liga ang parusa kay Ronald Tubid at Kelly Nabong dahil sa pananakit ng dalawa.

“Kung pagbibigyan niyo lang ako, ‘yun lang ang request ko. Sana matanggal ‘yung sanction. Magkapatawaran na lang po. Kung puwede pong may magawa ako para makabawi,” aniya pa.

Suspendido sina Tubid at Nabong ng tatlong laro at bayad pa ng P75,000 dahil sa nangyari.

Aniya pa, kaya sana niyang makakuha ng malaking halaga kung magdedemanda ngunit piniling ‘wag na lang magkaso dahil aminado itong siya ang puno’t dulo ng kaguluhan.

“Sana po ma-appreciate niyo na hindi na ako magdedemanda. I can extract a lot of money from you guys kasi may mga good Samaritan na judge na pumunta sa presinto, waiting for me for four hours. Sinabihan ako na pwede mo akong maging legal counsel,” sambit nito.

“Pero naiintindihan ko ‘yung bagay na ‘yun kung bakit sila nagalit nung nag-reflect ako sa kulungan … Lahat po tayo, ‘yung pag-aaway lang po talaga, bangaan lang. Misunderstanding lang talaga,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?