110

Apr 13, 2019 @ 22:03
By

PBA semis: San Miguel tumagay ng unang panalo vs Phoenix

Binalikat ni Alex Cabagnot ang four-time defending PBA Philippine Cup champion San Miguel Beer para tangayin ang semis opener kontra Phoenix, 100-88, sa kanilang best-of-7 semifinals sa Mall of Asia Arena nitong Sabado ng gabi.

Tinanghal na Player of the Game si “The Crunchman” matapos magpundar ng 26 points, five rebounds at seven assists para sa Beermen.

Nabasag ng SMB ang 29-29 deadlock at napalobo ito sa 43-31 lead may 2:46 natitira sa 2nd.

Hindi na hinayaan ng defending champion na makadikit ang Fuel Masters at naitagay ang 1-0 lead sa series.

Lalaruin ang Game 2 sa Lunes, Abril 22 sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?