56
PBA semis: Ginebra nakaisa sa TNT
Jul 31, 2019 @ 10:07
By

PBA semis: Ginebra nakaisa sa TNT

Pinalawig ng Barangay Ginebra ang semis series matapos isahan ang TNT, 80-72, para manatiling buhay sa PBA Commissioner’s Cup, Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Nagsabwatan sina LA Tenorio at Justin Brownlee para bigyan ng unang panalo sa semis ang Gin Kings.

Lumagare si Tenorio ng 16 points habang may halos triple-double na 14 points, 11 rebounds at walong assists si Brownlee.

Sa kabila ng resbak ng Ginebra, abante pa rin ang TNT sa best-of-five series, 2-1.

Susubukan namang itabla ito ng Gin Kings, Huwebes ng gabi sa Big Dome.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?