179

By

PBA semis game ng Magnolia, Rain or Shine, ginulat din ng lindol

Dumagsa ang tao sa labas ng Smart Araneta Coliseum dahil sa magnitude 6.1 na lindol na yumanig sa Metro Manila.

Ngayong Lunes nakatakda ang Game 3 semifinals series ng Magnolia at Rain or Shine, ngunit bago ito magsimula ay tumama ang lindol sa kalakhang Maynila na nadama sa ilang bahagi ng Metro manila.

Nasa loob na ang dalawang koponan ng mangyari ang earthquake, pinalabas ang bawat manlalaro, team staff at official para maging ligtas sa nasabing lindol.

Ngunit isang player ang nanatiling kalmado kahit lahat ng nasa paligid ay nagkakagulo.

Si ROS player Beau Belga ay nagpatuloy pa rin sa shooting, hindi alintana kahit may lindol na.

Hindi naman naantala ang PBA at itinuloy pa rin ang laro sa kabila ng magnitude 6.1 earthquake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?