11

PBA semis Game 1: Alas ng Alaska ‘di umubra sa Meralco

Sharing is caring!

Nakauna ang Meralco sa kanilang bakbakan kontra Alaska na nagtapos 97-92.

Inagaw ng Bolts ang manibela 8-6 mula sa and-1 play ni Allen Durham sa bukana ng opening period, mula roon ay hindi lumingon.

Pagkatapos ng first quarter, nasa unahan ang Meralco, tatlong beses umagwat ng 14 sa second huli sa floater ni Allen Durham 45-31 bago pumasok sa break dala ang 47-34 lead.

Hindi pa rin bumitaw ang Bolts pagbalik, kampante sa unahan 72-56 pagkatapos ng three.

Nakalarga ang Meralco sa mga free throw ni Baser Amer, 96-89. Pumukol ng 3 si Chris Exciminiano para ilapit ang Alaska sa apat pero pumitik pa ng 2 seconds sa naiiwang 3 tick sa game clock bago na-foul si Amer.

Tumabo si Durham ng 32 points, 14 rebounds at 6 assists para pangunahan ang Bolts. May 16 points naman si Chris Newsome, habang tumapos si Amer ng 14 points.

Umiskor si Mike Harris ng 37 points at 18 rebounds, umayuda ng 16 si Chris Banchero sa Alaska.

Pampitong sunod na panalo ito ng Bolts. Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Martes para sa best-of-five serye ng PBA Governors Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?