59

By

PBA semis: Alaska itinakbo ang 2-1 lead vs Meralco

Sharing is caring!

Sa bisa ng 104-102, isang hakbang na lang ang Alaska Aces para makaabante sa Finals ng PBA Governors’ Cup matapos pundihin ang Meralco Bolts, Huwebes ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Itinanghal na Best Player of the Game si Aces import Mike Harris sa ipinundar na dambuhalang 31 points, 24 rebounds at 7 assists.

Nakapagbuslo ng three-point play sa huling 16.1 segundo si Harris para iabante ang Alaska, 104-102.

May pag-asa sanang maitabla ng Bolts ang iskor pero kapwa sumablay ang buslo nina Meralco import Allen Durham at Reynel Hugnatan sa papaubos na oras.

Dahil sa panalo, maaari nang isara ng Alaska ang semis series nila ng Meralco sakaling manalo sa paghaharap muli nila sa Sabado sa kaparehong venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?