36

Feb 7, 2020 @ 10:08
By

PBA sasaludo kay Mamba – Vargas

Maglalaan ang PBA ng ilang minuto para bigyan ng tribute si Kobe Bryant sa opening night ng Season 45 sa March 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa pagsaludo sa dating Lakers great, gaganapin din sa opener ang Leo Awards bago ang lone game sa Philippine Cup ng five-time defending champion San Miguel Beer at runner-up nila noong isang taon na Magnolia.

Sa kasagsagan ng career, pitong beses bumisita sa bansa si Kobe at naglaro din sa Big Dome, kasama ng ilang NBA stars, kontra PBA Selection at Gilas Pilipinas noong July 2011 sa event na tinawag na Smart Ultimate All-Star Weekend.

Sa annual planning sa Milan, Italy nitong nagdaang linggo, nagkasundo ang PBA Board na bigyan ng sariling tribute si Kobe.

Namatay si Bryant, 41, kasama ng anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa nang mag-crash ang sinakyang helicopter sa Calabasas City, Los Angeles, California noong Jan. 26.

“The PBA Board in silence prayed for him, and decided to give him a tribute,” ani chairman Ricky Vargas. “He’s been part of us, and he has touched each one of us by his own inspiration in playing the game.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?