8

Oct 21, 2020 @ 14:30
By

PBA referee hinihinalang may COVID

May hinihinalang kaso ng COVID-19 sa loob ng Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Clark Freeport sa Pampanga.

Napaulat na ito ay isang PBA referee, na huling tinest para sa COVID-19 noong Oktubre 19.

Asymptomatic sa ngayon ang referee at dinala na sa Athlete’s Village sa Clark.

Samantala, ang nasa 350 delegado ng PBA bubble ay pinakiusapan nang manatili muna sa kani-kanilang mga silid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?