18

May 14, 2021 @ 12:34
By

PBA practice puwede na sa Metro Manila

Papayagan na ang pag-eensayo ng mga PBA team sa loob ng NCR+ bubble dahil ibinalik na sa general community quarantine (GCQ) ang rehiyon simula May 15.

Matatandaan na nakakuha ng approval ang PBA mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para makapagpraktis ang mga koponan sa GCQ at modified GCQ area.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ang mga koponan ay kailangang makakuha ng permit sa mga local government unit (LGU) bago simulan ang kanilang training.

Dapat ding sumunod sa protocol ang mga team para makapag-ensayo na sa NCR.

Matatandaan na kinausap na ng PBA ang Batangas City para makapagsimula ng ensayo noong nasa modified enhanced community quarantine pa ang Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?