9

May 7, 2021 @ 15:00
By

PBA practice aprubado na ng IATF

Pumayag na ang gobyerno na magkasa ng practice at scrimmage ang mga koponan sa PBA.

Inanunsyo ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing nitong Biyernes.

Makakapag-ensayo ang mga manlalaro sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modfied GCQ.

Bukod pa rito, pinayagan din ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-host ng Pilipinas sa huling window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Gaganapin ang international tournament sa isang bubble sa Clark, Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,