23

Oct 25, 2020 @ 11:42
By

PBA player sapul ng COVID-19

Isang manlalaro ng Blackwater ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Ayon ito kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon, sa ulat ng ABS-CBN News. Kinumpirma ito ng Philippine Basketball Association (PBA), Linggo.

Naka-isolate na ang player, at ang buong koponan.

Samantala, ang referee na naunang magpositibo sa COVID-19 swab test ay nagnegatibo naman parehong sa antigen test at isa pang swab test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?