29

Oct 25, 2020 @ 13:03
By

PBA player nadapuan ng virus, Manila Clasico ‘di paaawat

Suspendido ang nakatakdang laro mamayang hapon sa pagitan ng Rain or Shine at Blackwater Elite.

Sabi ito ni PBA commissioner Willie Marcial matapos kumpirmahin na may isang manlalaro sa PBA bubble sa Clark, Pampanga na nasapul ng COVID-19.

Ang player ay mula sa Blackwater. Ani Marcial, ang buong Elite squad ay sinailalim na sa quarantine.

Samantala, tuloy ang laban sa pagitan ng Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots mamayang alas-6:45 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?