7

Oct 25, 2020 @ 20:00
By

PBA player na hinalang may COVID, negatibo sa antigen test

Inanunsyo ng PBA na negatibo ang resulta ng antigen test para sa player mula Blackwater na suspected case ng COVID-19.

Sa virtual press conference ng liga, sinabi ni PBA deputy commissioner Eric Castro na hihintayin pa ang isa pang resulta bago iklaro ang player sa virus.

“Just earlier he tested via antigen and negative result came out. We will wait for the RT-PCR test tomorrow,” saad ni Castro.

Unang sinabi ng liga na nagpositibo sa initial test ang naturang player kaya’t kaagad itong sinalang sa isolation facility.

Dahil din sa positive test ay nasuspende ang laro ng Blackwater kontra Rain or Shine.

Hindi ito ang unang naging probable case ng COVID-19 sa PBA, dati nang sinuri ang isang referee na kalauna’y napatunayang walang COVID-19 base sa antigen at RT-PCR test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?