89

Sep 20, 2020 @ 19:29
By

PBA player bagong member ng Team Payaman?

Balak na rin bang pumasok sa vlogging ni Rain or Shine big man Beau Belga.

Sa tweet kasi ni Yunisky Mendoza, isang video editor ng Team Payaman, makikita na kasama ng grupo si Belga.

Game na nagpa-picture si Belga kasama ang mga sikat na vlogger tulad nina Krissy Achino, Boss Keng, Junnie Boy at Cong TV sa mini-basketball court sa Payamansion.

Mukhang nagkaroon ng collab si Belga at ang Team Payaman kaya’t dapat abangan ‘yan sa kanilang mga Youtube channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?