14

Mar 8, 2021 @ 23:29
By

PBA pila sa Red Cross para sa Covid bakuna

Nagpalista ang PBA sa Philippine Red Cross para makabili ng bakuna kaugnay sa pagbubukas ng 46th season sa papasok na buwan.

“Sumulat na tayo sa kanila para sa request na vaccine. At hinihintay na lang,” pagsisiwalat ni Commissioner Willie Marcial sa PBA Press Corps virtual Awards Night Linggo ng gabi sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

Pinanapos na saad ng opisyal, na hakbang ito ng pro league para sa mas malaking tsansang makapagbukas sa April 9 makaraan ang online 36th Draft sa March 14.

Si Marcial ang tumanggap sa okasyon ng Danny Floro Executive of the Year trophy dahil sa matagumpay pagdaraos ng 45th PBA Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble sa harap ng COVID. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?