374

Nov 17, 2017 @ 9:31
By

PBA nasa peligro dahil sa away ng team owners vs Narvasa

Hindi matutuloy ang 43rd o 2017-18 season ng PBA sa darating na Dec. 17.

Hinati ni Manny V. Pangilinan sa dalawang grupo ang 12 team representatives o board governors.

Nagkaroon ng limang magkakampi na binubuo ng San Miguel Corp. teams ni Ramon S. Ang . Tumropa sa San Miguel Beer, Ginebra at Star ang GlobalPort at Kia.

Kakampi naman ng MVP Group na may TNT KaTropa, Meralco at NLEX ang Rain or Shine, Alaska, Phoenix at Blackwater.

Ugat nang pagkawasak ng board ang trade ng Beermen-Picanto na naglagak kay 6-foot-8 Fil-German Christian Standhardinger sa una kapalit ng tatlong marginal players at 2019 first round pick para sa huli.

Umangal si MVP, sinabon pa ang tatlo niyang governors at nakuha nila ang saloobin ng apat pang koponan.

Presto! No confidence vote sa nag-aprub ng swap kay PBA commissioner Narvasa.

Pero giniit ng Big Five na kailangang ng 2/3 votes mula sa 12 board members para masipa si Narvasa. Gusto pa rin ng SMC & Co. si Narvasa kahit mariing inayawan ng Big 7. Ramil Cruz

Ceasefire ang board at nauwi na lang sa leasure travel dahil ilan lang ang sumamang governors sa annual planning session sa Los Angeles noong Martes.

Wala pang pang kongkreto sa parating na season, liban sa sa same format sa three conferences – Philippine, Commissioner at Governors Cups – pati sa All-Star Weekend.

Ang schedule na nilabas pa lang ay ang Christmas Day game ng Gin Kings at Hotshots sa Philippine Arena sa Bocaue. Pinagtibay ang mga ito nang nasa Manila palang ang board.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?