226

Nov 1, 2017 @ 9:53

PBA: Narvasa hahatulan sa Huwebes

Sa Huwebes magkakaroon ng meeting ang PBA board, pinakamataas sa agenda ang kapalaran ni Commissioner Chito Narvasa.

Kung sasapat ang seven (7) votes ng kinatawan mula sa 12 miyembro ng PBA clubs, malamang na mapapaalis sa puwesto si Narvasa.

Sa 12, kung susundin ang simple majority rule ay swak ang pito para madesisyunan ang usapin na nag-ugat sa approval ng Commissioner sa trade sa pagitan ng Kia at San Miguel Beer na nagbigay sa Beermen ng No. 1 pick ng Picanto sa PBA Draft noong Linggo. Kinuha ng SMB si Christian Standhardinger.

Pero sa kabilang kampo ay sinasabi ring para mapatalsik si Narvasa sa vote of no confidence, kailangan ng two-thirds na sasang-ayon. Susumahin, two-thirds ng 12 ay eight (8) teams.

Nitong Lunes daw ay nag-meeting bigla ang kinatawan ng pitong teams na pinangunahan ng MVP Group (TNT KaTropa, Meralco at NLEX). Walang kumpirmasyon sa teams, pero ayon sa sources ay kasama sa seven ang Alaska, Blackwater, Phoenix at Rain or Shine.

Naiwan sa kabila ang SMC group (SMB, Ginebr at Star), GlobalPort at Kia.

Krusyal at aabangan ang meeting sa Huwebes.

Kahapon din, sinabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial na susunod lang si Narvasa sa desisyon ng PBA Board, ma-extend o hindi ang kanyang termino.

“The PBA Board will act as a whole naman,” wika ni Marcial. “Kung ano ang gusto ng Board sa kanya, alam naman ni Comm ‘yun.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?