17

Nov 17, 2021 @ 15:45
By

PBA naghahanap venue para sa Gov’s Cup

Nakatakdang makipag-usap si PBA Commissioner Willie Marcial sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan upang maisapinal na ang paggaganapan ng 2021 Governor’s Cup.

Ayon sa ulat ng PBA website, ilan sa mga kakausapin ni Marcial ay ang pamahalaan ng Pasay City, Quezon City, San Juan at Antipolo.

Ang Pasay ay ang tahanan ng Cuneta Astrodome at MOA Arena, nasa Quezon City naman ang Araneta Coliseum, The Arena sa San Juan at ang Ynares Center naman ay nasa Antipolo.

Matatandaang ang Philippine Cup ay idinaos sa Ynares sa Pasig ngunit dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID ay inilipat ito sa Bacolor, Pampanga.

Dagdag pa ng ulat, ang petsa ng simula ng Governors Cup ay idedeklara kapag nakarating na sa Pilipinas ang lahat ng mga import.

Bukod sa pagbabalik ng mga import, inaaral din ng liga ang muling pagpapapasok ng mga fan. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?