23

Oct 24, 2020 @ 20:36
By

PBA: Manila Classico sa bubble muna

Mga laro Linggo: (AUF Gym/Clark)

4:00pm – Rain or Shine vs. Blackwater

6:45pm – Ginebra vs. Magnolia

Timeout muna sa big city ang Manila Classico, lilipat pansamantala sa Pampanga bubble ang unang sagupaan ngayong 2020 ng magkaribal na Ginebra at Magnolia.

Dahil sa pandemic, isang conference na lang ang 45th season na inilagay sa bubble. Ibig sabihin ay isang beses lang ang Classico ngayong taon maliban kung magtatagpo ang dalawa sa playoffs.

Wala ang laksa-laksang crowd na sixth man ng Ginebra sa Smart 5G-powered AUF Arena sa Angeles mamaya, virtual fans muna ang audience ng Bubble Classico.

Hindi pa 100 percent sina Japeth Aguilar at LA Tenorio pero unbeaten sa apat na laro ang Gins.

Huling biktima ng Ginebra ang Phoenix 86-71 noong Miyerkoles sa likod ng 20 points ni Stanley Pringle at 14 points, 10 rebounds, 5 assists ni Prince Caperal.

May isang araw lang para mag-recharge sina Paul Lee, Mark Barroca, Chris Banchero, Ian Sangalang at Jio Jalalon para makabawi sa masaklap na talo sa Phoenix noong Biyernes. Abot-kamay na ng Magnolia ang panalo pero nasilat pa 91-84.

Lumamang ng hanggang 62-45 sa third quarter ang Hotshots pero nalimitahan sa 13 points lang sa fourth at nalaglag sa 1-4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?