222

Dec 18, 2017 @ 19:03
By

PBA, mahihirapang maghanap ng bagong kume – Alfrancis Chua

Nahaharap sa isang mahirap na paraan ang PBA sa paghahanap ng bagong commissioner.

Ayon mismo kay Barangay Ginebra San Miguel governor Alfrancis Chua, nakaakma na ang komite na siyang susuri sa mga kandidato na papalit kay Chito Narvasa, pero mukhang mahihirapan sila.

“Ang qualifications kasi madali pero iyung tao na magpi-fit sa mga nasabing qualifications, tulad ng managerial skills, comprehensive knowledge of basketball, etcetera, hindi madali iyon,” giit ni Chua.

Inanunsiyo ni bagong PBA chairman Ricky Vargas na nag-resign na si Narvasa noong Linggo, pero mananatili muna siya hanggang sa katapusan ng taon para tumulong sa transition.

Samantala, si Media Bureau chief Willy Marcial muna ang tatayong officer-in-charge hanggang sa pagtatapos ng Enero, kung saan umaasa ang PBA na meron na silang bagong kume.

“Sana nga,” saad ni Chua.

Isa sa mga agad na lumutang na pangalan para kandidato ay si Ariel Magno, dating konektado sa Sta. Lucia Realty at isa ring abogado tulad ni Narvasa at ang nauna sa kanya na si Chito Salud. (Christian Cortez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?