51

Mar 9, 2020 @ 21:36
By

PBA magpaplano para sa COVID-19

Babalangkas ang PBA ng plano para tugunan ang pinakahuling kumpirmasyon ng mga panibagong kaso ng coronavirus.

Kauumpisa lang ng 45th season ng liga noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpatawag si commissioner Willie Marcial ng emergency meeting ng Board ngayong araw para pag-aralan ang mga posibleng hakbang na gagawin.

Lahat ng posibleng senaryo ay ilalatag.

“Puwedeng maurong ulit ‘yung schedule, puwede ring maglaro closed door,” ani Marcial kahapon. “Puwede rin namang ituloy din natin ‘yung mga laro.”

Na-postpone na ang unang iskedyul ng opening dahil din sa COVID-19, mula March 1 ay ginawang Mar. 8.

Sa lahat ng entry points ng Big Dome ay dumaan sa temperature check ang bawat pumasok. Naglagay din ng alcohol malapit sa mga exits na nagamit ng halos 10,000 nanood sa venue.

Maraming sporting events na sa buong mundo ang kinansela. Ang mga itinuloy ay inilaro closed door.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?