15

PBA: Magnolia pinatirik ang Columbian Dyip

Sharing is caring!

Nagpakita muli ng lakas ang Magnolia Hotshots laban sa Columbian Dyip, 126-101, para itala ang ikalawa nilang sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum, nitong Miyerkoles ng gabi.

Mabilis na sinagasaan ng Hotshots ang Dyip, 37-18, sa first quarter at hindi na lumingon pa.

Si Vernon Macklin ang nanguna sa Magnolia sa itinalang 19 points, 8 rebounds, at 1 block.

Nagdagdag naman si Ian Sangalang ng 18 points, 4 rebounds, at 1 assist.

Samantala, nalimitahan lang sa 22 points si John Fields para sa Columbian na unang tumipa ng back-to-back 30-point games.

Sa kabila nito’y may dinaklot naman siyang dambuhalang 19 rebounds, 1 assist, at 4 blocks pero hindi pa rin sapat para maihatid ang Dyip sa panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?