410
PBA Legends: Locsin, Yee nagbangasan
By

PBA Legends: Locsin, Yee nagbangasan

Kahit na exhibition game lamang ang naging laban ng Purefoods at Ginebra, hindi pa rin napigilan ang ‘masidhing’ emosyon sa pagitan ng dalawang manlalaro.

Sa second half ng ‘Return of the Rivals’, nagkaroon ng kiskisan sina Ginebra legend na si Noli Locsin at Purefoods great na si Richard Yee.

Sa pangyayari, kinailangang umeksena ng mga referee para mapaghiwalay silang dalawa.

“Wala, joke lang ‘yun,” ayon kay Locsin, na tumapos ng 14 points at siyam na rebounds. “Pareho kaming Ilonggo. Alam niya ‘yun. Lokohan lang ‘yun.”

Ngunit hindi ito ang tingin ng ni Bal David sa pangyayari.

“Kala ko fun game lang. Nagkakatirahan ‘yung mga kuya ko eh,” ayon sa ex-Ginebra guard.

Maging ang naka-triple double na si Jayjay Helterbrand ay sang-ayon sa naging laban nila kontra sa Purefoods franchise.

“There were elbows thrown, and guys talking trash. Ako, I almost got pikon on one play but I had to remember, this is just for fun. It was a good experience,” ayon pa kay ‘The Fast’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?