397
atoy-co
By

PBA legends Cezar, Caidic, Co kalap-pondo para sa mga katoto

Sharing is caring!

Kasado na ang double-header sa pagitan ng dating champion teams ng San Miguel Beer at Alaska, at ang original rivalry ng Ginebra-Purefoods.

Paplantsahin pa kung sa September 9 o 16 sa Smart Araneta Coliseum gaganapin ang bakbakan na unang proyekto ng Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng PBA.

Si dating Crispa star Atoy Co ang presidente ng foundation na layong makalikom ng pondo pangsuporta sa mga dating PBA players na nangangailangan.

“They put up a foundation that will be ready to help their peers,” lahad ni PBA commissioner Willie Marcial. “We’re cooperating with them and we’re giving them all-out support.”

Ang teammate ni Co na si Philip Cezar ang vice president ng grupo, si dating Toyota player Ed Cordero ang secretary, treasurer si Allan Caidic, miyembro ng board sina Alvin Patrimonio, Kenneth Duremdes, Jojo Lastimosa, Pido Jarencio at Art dela Cruz.

“For the initial project featuring former stars of Ginebra, Purefoods, San Miguel Beer and Alaska, sila ang bahala sa players while the PBA takes care of the operation and promotions,” dagdag ni Marcial. “The proceeds go to the foundation.”

Ilan sa itatampok sa Legends game sina Ramon Fernandez, Caidic, Lastimosa, Patrimonio, Duremdes, Ato Agustin, Hector Calma, Johnny Abarrientos, Bong Hawkins, Jeffrey Cariaso, Jerry Codinera, Chito Loyzaga, Vince Hizon, Marlou Aquino, Noli Locsin at Bal David.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?