425

By

PBA humina dahil sa mga import – Pacquiao

Sharing is caring!

MATIGAS ang paninindigan ni MPBL owner Manny Pacquiao na mananatiling istrikto ang ‘one Fil-Foreigner per team’ rule ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na opisyal nang nagbukas ng bagong kumperensiya Martes ng gabi sa Big Dome.

“Istrikto tayo na magpaano ng players. (Kaya) bawal ‘yung Fil-Am over 6’4 at isa lang bawat team,” ayon kay Pacquiao.

Hinalimbawa pa ng ‘Pambansang Kamao’ ang PBA na sinabing humina raw ang liga dahil sa mga import.

“Wala muna. Nasasapawan kasi mga Pilipino. Dati, malakas PBA nung puro Pilipino. Humina nung maraming import,” dagdag pa niya.

Matatandaang binatikos ng mga Fil-foreigner athlete ang nasabing rule ng MPBL na sinasabing diskriminasyon ito sa kanilang lahi.

Kasama sa mga bumatikos sina ABL two-time local MVP Ray Parks, Jr., dating PBA players na sina Rob Reyes at Jeff Cariaso at dating Gilas naturalized player Marcus Douthit. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?