8

By

PBA Homecourt Project idadayo sa probinsiya

Sharing is caring!

PLANO ng PBA na idayo din ang Homecourt Project sa mga probinsiya para magkaroon ng pagkakataon ang mga nasa malalayong lugar na ma-experience ang outreach program ng pro league.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, pinaplantsa na ng liga na isabay ang Corporate Social Responsibility program sa Petron Saturday Special games na karaniwang dinadala sa mga probinsiya.

Pero habang hindi pa naikakasa ito, naka-concentrate lang muna sila sa metropolis at mga karatig na lugar.

Huling pinuntahan ng Homecourt Project nitong weekend ang tatlong barangays sa UP Campus sa Quezon City – Pansol Bungad, Matandang Balara at Dagohoy.

Dinadayo ng PBA ang mga barangay courts, nagpapalaro, bitbit ang ilang aktibong players at minsan ay mga ex-pros.

Sa UP Campus ay sina Raymond Almazan ng Rain or Shine at JR Quinahan ng NLEX ang kasama ni Marcial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?