36

Nov 29, 2021 @ 13:31
By

PBA Gov’s Cup larga sa Disyembre 8

Magbubukas ang 2021 PBA Governor’s Cup sa Disyembre 8, kung saan mananatili munang sarado ang mga venue para sa mga manonood.

Ayon kay commissioner Willie Marcial, aprubado na sa Inter-Agency Task Force ang pagsisimula ng kumperensya bagamat tuloy pa rin ang kanyang pakikipag-ugnayan sa ilang lokal na pamahalaan sa NCR para humingi ng permiso sa pagpapapasok ng mga fan.

Ang huling dalawang kumperensya ng PBA ay ginanap sa isang bubble set-up.

“Kasalukuyan tayong nakikipagusap mga LGUs at tayo ay umasa na mapagbibigyan ang ating kahilingan na pahintulutang makapasok at makapanood ang ating mga fans ng laro,” wika ni Marcial.

Ang opening day ng Governor’s Cup ay gaganapin sa Ynares Arena sa Pasig City.

Bukod dito, ang iba pang kinokonsiderang venue para sa torneo ay ang Araneta Coliseum, MOA Arena, Filoil Flying V Arena at Ynares Arena sa Antipolo.

Bagamat ‘di pa matukoy ang pagbabalik ng mga fan, tuloy naman ang muling pagpapasiklab ng mga import sa PBA. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?