106

Jun 20, 2018 @ 23:26
By

PBA: Ginebra, dinikdik ang Columbian para umakyat sa 6th place

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Columbian, 134-107 sa 2018 PBA Commissioner’s Cup game nito sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules.

Dahil sa panalo, naibangon ng Gin Kings ang kartada nito sa 4-5 at lumundag sa 6th seed at pumantay sa Magnolia at Globalport.

Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Ginebra sa kumperensya.

Top scorer para sa Gin Kings si Justin Brownlee na kumamada ng 24 points at 10 rebounds habang nagtala naman si Scottie Thompson ng pangatlo nitong career triple-double sa kanyang 12 points, 12 rebounds at 10 assists performance.

Pinangunahan naman ng 30 points, 16 rebounds at five assists ni John Fields ang talunang Dyip.

Dahil sa talo, bumagsak ang Columbian sa ika-siyam na puwesto mula sa seventh seed at pumarehas sa Phoenix sa record na 4-6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?