8

By

PBA-Ginebra 3×3 arangkada sa Taguig

Sharing is caring!

SUMIKLAB na kamakalawa ang PBA-Barangay Ginebra 3×3 tournament sa Taguig.

Tatagal hanggang June 2 ang pag-iikot sa buong bansa ng torneo na nasa ikatlong taon na, huling stop ang sabay na event sa San Fernando (Pampanga) at Lucena (Quezon).

Bukas ang torneo sa lahat na mahilig sa basketball, edad 18-30 pero hindi miyembro ng anumang varsity, amateur o professional basketball league.

Bawat team ay bubuuin ng apat na miyembro, required na bumili ng 1 case ng Ginebra San Miguel Frasco o Round para mag-qualify. Manggagaling sa Ginebra San Miguel ang jerseys ng players.

Labing-anim na teams lang ang pipiliin bawat location, kailangan may muse ang bawan koponan.

Tatanggap ng P3,000 ang winning team at P2,000 sa runner-up. Kakatawanin ng winning team ang kanilang city/province sa national finals sa Manila para makipag-agawan sa P50,000 prize.

Sunod na stop ng torneo ang General Santos City at Iloilo (April 21), at sa Tagum City at Cebu City (April 28).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }