32

Oct 26, 2021 @ 16:47

PBA: Foul ni Heruela kay Lee hangin lang tinamaan

Tinanggal na ng PBA sa mga natitira pang laro sa finals ang referee na pumito ng foul sa pagbantay ni Brian Heruela sa three-pointer ni Paul Lee noong game three.

Ito ay matapos balikan ng PBA ang naturang play at nakitang hangin lang ang tinamaan ni Heruela sa attempt ni Lee, na nangyari noong second quarter.

“We made a wrong call, we admit that. No excuses,” pahayag ng deputy commissioner ng PBA na si Eric Castro. “We have to move on and do a better job in the next games, plain and simple.”

Kinilala naman ang referee na si Kenny Hallig.

“Admittedly there was no contact. But things like this happen. Referees are humans. Magkakamali’t magkakamali sila,” pahayag ng head ng mga PBA referee na si Bong Pascual.

Nagwagi pa rin ang Magnolia sa game three, 106-98, para ilapit ang serye sa 2-1.

Samantala, hindi naman masususpinde si Jackson Corpuz sa kanyang flagrant foul penalty 1 na ikinapilay ni Troy Rosario.

Na-upgrade ang naturang foul bilang penalty 2 ngunit ‘di pa rin pinatawan ng suspensyon si Corpuz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?