88
PBA finals: San Miguel tumabla sa Magnolia
By

PBA finals: San Miguel tumabla sa Magnolia

Balik sa “zero” ang finals series sa pagitan ng San Miguel Beer at Magnolia matapos lasingin ng Beermen ang Hotshots, 114-98, sa Game 4 ng 2019 PBA Philippine Cup Finals Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naitabla ng SMB ang serye sa 2-2.

Pinatunayan ni June Mar Fajardo sa Hotshots kung bakit siya ng reigning five-time MVP matapos mangalabaw ng 31 points at 14 rebounds.

Masaya naman si SMB head coach Leo Austria sa effort na ipinamalas ng kaniyang koponan at naipapasok ang perimeter shots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?