101

By

PBA finals: San Miguel rumesbak sa Ginebra sa Game 2

Sharing is caring!

Nakaganti mula sa “panghihiya” ng Barangay Ginebra sa Game 1 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup finals ang San Miguel Beermen at nagpaulan din ng puntos sa Game 2 kagabi sa Araneta Coliseum.

Sa bisa ng eksplosibong laro ni “The Crunchman” Alex Cabagnot, dinemolis ng SMB ang Gin Kings sa 134-109 panalo para maitabla ang serye sa 1-1

Malungkot umano ang SMB sa nangyari noong Game 1 kung saan nilampaso sila ng Ginebra, 127-99, kaya nagpapasalamat si coach Leo Austria na nag-step up lahat ng players niya sa Game 2.

“We were so sad with what happened in the last game,” ani Austria. “We were humiliated. But this time, we’re able to get back and even the series.”

“Now, we have a series,” dagdag pa niya. “I’m so thankful for the players… lahat sila, nag-step up. They are well-motivated.”

Nag-init ang mga kamay ni Cabagnot at tumikada ng 33 puntos at 9 assists para sa Beermen.

Lima rin sa players ng SMB ang may naitalang dobleng pigura: June Mar Fajardo (25 points), Christian Standhardinger, Renaldo Balkman at Marcio Lassiter (20) at Arwind Santos (14).

Hindi na nagpabaya ang Beermen sa unang quarter pa lang kung saan napalobo nila ang kanilang kalamangan sa pagtatapos ng first half, 75-46.

Si import Justin Brownlee, na bumida sa Game 1 para sa Ginebra sa binombang 42 points, ay nalimitahan lang sa 29 points sa Game 2.

Lalaruin ang Game 3 ng best-of-seven series sa Miyerkoles sa Big Dome. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?