45

By

PBA Finals: Mike Harris positibo kahit lubog sa 0-2

Sharing is caring!

Hindi pa umano nagpa-panic si Alaska Aces import Mike Harris kahit dalawang beses na silang nadadapa laban sa Magnolia Hotshots sa 2018 PBA Governors’ Cup finals.

Ani Harris, hindi na umano maaari pang magpetiks ang Aces matapos silang malubog sa 0-2 nang kalusin muli ng Hotshots kagabi 71-77 sa Game 2 ng best-of-seven championship.

“I’ve been down 2-0 before. [It sounds like a] big deal but it’s not. You take it one game at a time. Still first to 4. So you know, our job is come back, re-focus tomorrow and be ready for Game 3,” ani Harris.

“All we need to do is win one, changes the whole thing.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?