19

Feb 20, 2021 @ 18:48
By

PBA Draft Combine purnada

Record breaking ang 97 na nagpalista sa PBA Season 46 Draft, pero wala namang pagkakataon ang coaches at scouts na kaliskisan ang players.

Kinansela ng liga ang Draft Combine na dapat ay ilalarga sa March 10 ilang araw bago ang virtual draft ng March 14.

Dito matatasahan ng coaches ang kalibre ng players na sakto sa hinahanap nila sa team.

Kanya-kanyang labas ng individual skills, sprint, vertical leap, stamina ang applicants sa dalawang araw na Combine.

Nagdesisyon daw si commissioner Willie Marcial na kanselahin ang proceedings para iwas sa exposure sa COVID-19.

May hanggang March 5 naman ang Fil-foreign applicants para tapusin ang pagkalap ng kaukulang dokumento mula sa DOJ at Bureau of Immigration.

Ang mga pipili sa first round ay may nakita na kahit paano sa listahan.

Sa mga susunod na round ang kailangang magkaroon ng ideya.

Pagkakataon sana ng mga hindi masyadong kilalang players na magpasiklab sa Combine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?