18

Sep 29, 2020 @ 20:09
By

PBA D-League season kanselado na

Hindi na muna lalarga ang ika-10 season ng PBA D-League.

Inanunsyo ito ni PBA commissioner Willie Marcial na sinabing sa susunod na taon na muling magbabalik ang naturang developmental league.

Nasuspende din ang PBA D-League noong Marso dahil sa COVID-19 kung saan walong laro ang nakasalang.

Isa sa mga nagpahirap sa pagbabalik ng liga ay karamihan sa kanilang mga koponan ay school-based at tanging professional team lang ang pinapayagan na maglaro.

“Mahirap para sa atin kasi karamihan ng players, amateurs eh. And then of course, majority ng kasali this conference ay collegiate teams at hindi pa sila pinapayagan ng gobyerno na makabalik kahit sa practice o scrimmage pa lang,” saad ni Marcial.

Nilahad din ni Marcial na binigyan nila ng refund ang Technological Institute of the Philippines na hindi na makakabalik sa D-League dahil sa problemang pinansyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?