39
PBA D-League: Family Mart nagbaon ng panalo
May 23, 2019 @ 17:28
By ,

PBA D-League: Family Mart nagbaon ng panalo

Laglag man sa playoffs ng 2019 PBA D-League, tinapos naman ng Family Mart-Enderun College Titans ang kanilang 2019 PBA D-League campaign ng panalo.

Sa huling laro nito sa liga, pinakita ng Titans ang kanilang angas nang sunggabin ang Ironcon-UST Growling Tigers at itarak ang 81-74 na panalo ngayong Huwebes sa JSCGO Gym sa Cubao.

Humalimaw sa opensa si Valandre Chauca na tumapos ng 31 points, limang rebounds at dalawang assists habang sumahog naman ng 18 points at 12 rebounds sa tropa si Marvin Hayes.

“Everybody’s just buying in and they are set to play for each other. I convince them to play with one another and they want to prove something,” sabi ni coach Pipo Noundou.

Binitbit ng Family Mart ang 2-7 na win-loss record sa Aspirants Group.

Sa dalawang panalong nasikwat nito, umaasa si Noundou na muli silang makakabalik sa susunod na season ng liga at isang malaking confident-booster ang panalong ito.

“We are gonna discuss about it but now we are just focus in getting this win because it’s gonna give us a lot of confidence,” dagdag ni Noundou. “This gonna motivates us to practice more and to keep believing in what we are doing.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?