31

Mar 4, 2020 @ 17:50
By

PBA D-League: Chabi Yo, UST tatalupan ang TIP

Patuloy ang mainit na salpukan sa 2020 PBA D-League Aspirants Cup tampok ang UAAP Season 82 runner-up Builders Warehouse-UST kontra Technological Institute of the Philippines,Huwebes alas-3 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sasandalan ng España-based school ang UAAP MVP na si Soulemane Chabi Yo, katuwang sina Mark Nonoy at Rhenz Abando.

Si CJ Cansino naman na hindi nakaariba noong nakaraang season dahil sa ACL injury ay sasabak na ngayon para sa Growling Tigers.

“Yun naman ang sadya namin dito sa D-League, na mas mag-mature pa ang mga player namin,” pahayag ni UST head coach Aldin Ayo.

Bala naman ng TIP Engineers si Senegalese center Papa Ndiaye at forward na sina Bryan at Ivan Santos.

Samantala, mangunguna naman sa APEX Fuel Mindano-SSCR si RK Ilagan kontra AMA Online Senior High sa pambungad na laro ala-una ng hapon.

Kukuha naman ito ng lakas sa kanyang mga katropang sina JM Calma, Ken Villapando, Romel Calahat at Jessie Sumoda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?