28

By

PBA Commissioner’s Cup semis, tatalupan ng SMB-Alaska

Sharing is caring!

Maghaharap muli ang Alaska at San Miguel Beermen sa playoff series matapos ang ‘di malilimutang 2016 PBA Philippine Cup Finals clash ng dalawang koponan.

Bubuksan ng Aces at Beermen ang kanilang best-of-five Commissioner’s Cup semifinal series ngayong Sabado ganap na alas-6:40 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang unang playoff showdown ng Alaska at SMB matapos noong bumangon ng Beermen mula sa 0-3 at mahablot ang Philippine Cup title sa Aces.

Susubukang igapos ng pundasyon ng “Beeracle” team na pinangungunahan nina Junemar Fajardo, Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot, at Marcio Lassiter kasama si import Renaldo Balkman si Vic Manuel, na siyang bumalikat sa Aces mula nang suspendihin si Calvin Abueva.

Si Manuel ang responsable sa game-winning shot ng Alaska na nagpaluha sa SMB sa Dumaguete noong May 19. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?