157

By

PBA Commissioner’s Cup Finals: Isa na lang sa Beermen

Binura ng San Miguel Beer ang 16-point lead ng TNT para lagukin ang panalo sa Game 5 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals, 99-94, nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Itinayo nina Chris McCullough, Terrence Romeo at June Mar Fajardo ang nabaon sa 16 points na San Miguel.

Humagupit si McCullough ng 35 points at 22 rebounds, naka-22 markers si Romeo at may 16 pts. at 11 boards si June Mar Fajardo para sa back-to-back win ng Beermen sa serye.

May tsansang wakasan ng SMB ang KaTropa sa tirada ng Game 6 sa Biyernes ng gabi sa nasabing Quezon City playing venue pa rin.

“Mentally, we locked in, we try to make three stops. Two stops in a row, quick bucket and we came through. We got the win today, be ready for Game Six, play good basketball and win championships,” bulalas ni McCollough.

Isang atake ni import McCullough ang nagtulak sa Beermen sa 95-94 abante sa natitirang 26.5 segundo ng laro. Una nito ay ipinasok ni McCullough ang dalawang freethrows upang ilapit ang Beermen sa 93-94.

Bumalikwas din ang Beermen sa paghulog ng 18-5 run sa 4:45 minuto ng ikaapat na yugto upang dumikit sa 87-90.

Ibinuhos muna ng KaTropa ang limang sunod na puntos sa pagsisimula ng ikaapat na yugto mula kay Don Trollano at isang tres ni Roger Pogoy upang itulak ang koponan sa pinakamataas na 16 na puntos na kalamangan sa 10:39 minuto ng laro sa iskor na 85-69.

Ang iskor:

San Miguel 99 – McCullough 35, Romeo 22, Fajardo 16, Pessumal 9, Ross 7, Cabagnot 4, Standhardinger 4, Santos 2.

TNT 94 – Jones 35, Castro 18, Rosario 16, Pogoy 12, Trollano 7, D. Semerad 6, Taha 0, Reyes 0, Heruela 0, Magat 0.

Quarters: 22-28, 45-49, 69-80, 99-94.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?